SI-YO-SI

‘nasa harap lamang ako ng ballpen at papel... ang tagal, iniisip ko kung ano ang aking isusulat. at eto na nga, “POOOOF,” biglang lumabas ang isang ideya.’

Habang ang ibang mga tao ay nagkrecrave for white and black chocolates, starbucks coffee, krispy kreme, at kung anu-ano pa – yung kakilala ko ngang isa diyan, ultimo cornedbeef kinecrave – ako naman dito, iba ang hinahanap.

Black bat, dj myx, dunhill frost, black devil, miller, mild seven... sound like foods and cocktail drinks aren’t they? If yes is your answer, then you got ‘em wrong. Kalahi sila ni Marlboro, pinsan ni Philips, kapitbahay ni Fortune, katropa ni Champion.

Fresh pa sa ala-ala ko ang unang paggamit ko ng sigarilyo ... yosi. Grade five pa ata noong una namin pinaglaruan ng mga kaibigan ko ito. Hindi pa namin noon alam na bawal, basta ang alam namin, ang cute kapag may naibubuga kang usok galing sa bunganga mo – para kang taga-Alaska, oh, Baguio. Sa children’s park pa talaga namin ginawa: Paano kaya pag yun lang ang linalaro ng mga bata sa children’s park noh? Ehdi, patok na lugar na iyon ah for takatak boys! Pacquiao agad ang benta. Anyway, nakatatlong hitit-buga lang ako noon – hindi ko man gustuhin pero mga bata lang kami noon na naghanahanap ng bagay na pwedeng laruin. Kapagod ding magslide, magseesaw, magmonkey bars, magtakbuhan ng ilang oras noh. Baka subconsciously, naghanap lang talaga kami ng laro na hindi na kailangan pang mapagod – yun ang fog-production game. Weeeee.

Dumating ang highschool. I was learning, edukado na ako ng kunti. Alam ko na ang bawal sa hindi. Pinag-aral ata ako nina mama at papa sa isang private catholic school noh. Kaya ang yosi – isa itong bisyo. Bisyo na nakasasama! Bisyo na nakamamatay! Tinuruan ako ng mga klasmeyts kong pandirian ang yosi – wow, ta noon, amazed ako... they disliked yosi sa school but when they were outside the school’s walls na, GO, yosi galore! Hindi ako gumaya, why should I? I had good friends with me na ang only vice namin noon ay – STUDIES. Hindi naman na kasi uso noon sa highschool ang takbutakbuhan at monkey bars. Kaya no reason na ako to look for that fog game. Kung nagkataon na uso pa mga ganon, nakopo, ang mga panty ng mga babae, paglalaruan lamang ng imahinasyon ng mga lalake. Haha. Graduate ako na diploma ang hawak ko, hindi yosi na may ribbon.

COLLEGE! Far from parents, near to influences! Sa isang city pa naman ako nag –aral – sa isang MALAMIG na lugar. First year? Study lang ng study. Came second year? Doon ko na nameet ulit si yosi, long-time-no-si-yo-si. Binigyan ako ni toot ng isang stick... tinuruan niya ako pero hindi siya yung nagtuturong ‘guro’ ah. Siya si friend na alam, bihasa sa paninigarilyo. Hindi ko man siya masasabi na B.I. ta ako naman kasi daw ‘willing to learn’ and ‘willing to take the risk.’ Una kong hitit, hindi buga ang kasunod kundi ubo. Pangalawang hitit, hindi buga, hindi din ubo ang kasunod, sakit na ng batok... nakalimutan ko na nga atang ilabas yung usok sa katawan ko eh.

Habang patuloy ang impluwensiya at pagpapaimpluwensiya, i ended up buying my very first half pack of cigarette. BINYAGAN! Welcome to the world of cigarettes, ‘coz cigarettes are good for your health! Dinadagdagan niya another day ang lifespan mo for every stick you consume. Waaaaaaa! My mind was poisoned definitely.
Cigarette smoking was not addictive at first. Came February 28, 2009. Bumalik siya sa buhay ko... after 2 years of long divorce with my better half. Kinasal ulit kami, sa Volante kuno. After that, tuloy tuloy na siya. From one stick a day to two...to three... to four... to one... ONE HALF PACK a day. Siyosi – asawa ko na unti-unti akong pinapatay. I could not resist lalo ‘pag kasama ko ang mga hasler kung magyosi kong mga kaibigan. Wow. Nagmalinis ang dating hasler? Hahaha. Kahit barya na lamang ang natitirang kayamanan sa bulsa ko, id rather buy a stick of it ah.

Ang adik ko sa yosi.
Masaya na ako noon na may stock ako sa kuwarto.
Ayan tuloy, hasler kasi. Binigyan ba naman ako ng ilang paketeng yosi ng nga kaibigan ko? Ang saya ko ah noon. Kasi kahit papaano, may nagke-care pa sa akin. Appreciate ko yung LOVE (not sarcastic) from them because they know what was making me happy – THAT FUCKING YOSI. (ooops. Pasensiya po)


Buti na lang!!! Dumating si August 4, 2009. The day I realized and promised to myself na hindi na ako magyoyosi evah. Inisip ko na noon na it was eating me alive. I couldn’t go on like that. Pero TEMPTATION!!! Nakakahitit parin ako kahit papano. But came AUGUST 16, 2009.

I VOWED to MY LIFE, I will NOT ever SMOKE again. This time around, I’m not anymore thinking of the short term benefits I get from it. I am thinking of its long term impact on me... to my FOREVER.

Napakaipokrito ko naman ‘pag sabihin kong hindi ko minahal ang pagyoyosi – ang saya ko nga noon with it eh. Masaya naman ba daw ang baga ko? Nako! Kung may hawak lang na kutsilyo si baga, malamang matagal na siyang nagsuicide.
0 Responses