ANIMNAPU’T ISA.


61st day. 61 memories.


One. Halo-halo na may ube flavor na ice cream.
Two. 6:45p.m ., my modern Cinderella.
Three. Pinapatulog sa gabi bago matulog yung isa.
Four. ABNKKBSNPLAKO ni Bob Ong..
Five. Sexyback.
Six. Halikan sa loob ng cathedral.
Seven. Global warming knowledge.
Eight. Unlimited texting.
Nine. Pictures na may sulat sa likod.
Ten. Ube flavor na goldilocks cake.
Eleven. Question and answer portion, DID YOU KNOW?
Twelve. Vow sa isang simbahan.
Thirteen. Apologize by One Republic sa taxi.
Fourteen. Sunset.
Fifteen. Jacket sa malamig na klima.
Sixteen. 5 pages na dapat ay isang break up letter.
Seventeen. Facebook.
Eighteen. Soulmates. This is the time.
Nineteen. Truth hurts. But honesty is the best policy.
Twenty. Asul na kandila.
Twentyone. John Lloyd at Luis sa In my Life.
Twentytwo. Kulungan, isang bihag.
Twentythree. Halikan sa loob ng Jeep.
Twentyfour. MORE THAN WORDS.
Twentyfive. Poque-poque na may karne.
Twentysix. Hindi mapili sa kinakain.
Twentyseven. Botelya ng pabango.
Twentyeight. Walang katapusang mga hagdanan.
Twentynine. Kape at kanta sa KaffeKlatsch.
Thirty. THE LAST TIME BY RICHARD POON
Thirtyone. September 4, 2009, surprise!
Thirtytwo. Singing.
Thirtythree. Sino ang nag”discover” ng bumbilya?
Thirtyfour. Halik sa temporal, happy trip kiss.
Thirtyfive. NOBODY ng wonder girls.
Thirtysix. Bakit bayan? Bakit Bautista?
Thirtyseven. Mag-Asawa
Thirtyeight. Isang aso na bilugan ang mata.
Thirtynine. Put your head on my shoulder na drama sa jeep.
Forty. Dalandan flavor na FAB.
Fortyone. August 4, 2009
Fortytwo. Adobong kangkong ni mama.
Fortythree. These are the moments o kaya I could not ask for more, whatever.
Fortyfour. I AM BREAKING UP WITH YOU.
Fortyfive. Kahit may bagyo, gogogo pa din. Haha
Fortysix. Sabay na wongwong ng City Hall at kalambang ng simbahan.
Fortyseven. Ikaw si dinosaur, ako ay tipaklong.
Fortyeight. Limang kulay tsokolate na sobre.
Fortynine. Laging handa.
Fifty. DUO.
Fiftyone. Movie na UP.
Fiftytwo. At least two times a day meal.
Fiftythree. Iyakan sa cinehan.
Fiftyfour. Harry Potter.
Fiftyfive. Interlocking hands, feet. Lahat lahat na.
Fiftysix. 15days long distance.
Fiftyseven. Absent lang ng absent.
Fiftyeight. Susi ng locker.
Fiftynine. ‘till the end of our forevers’
Sixty. Ngiti na nakakapagpangiti.
ANIMNAPU’T ISA. OCTOBER 4, 2009. HMH.

MY NAME IS. (bow)




Pinanganak tayo na may iisang pangalan. I mean, kung ano ang nakasulat sa ating birth certificate, yun na un. Ewan ko ba kasi kung bakit habang tumatanda ang isang tao, mas dumadami ang kanyang pangalan, tapos kapag siya ay nasa edad na ng kanyang jurasic period, nag iisa nalang ang magiging pangalan niya. Ako ay bente pa lang. marami na ang tawag sakin. Hindi ko lubos akalain na ang pangalan kong KIER OSWALD ay sasanga, sasanga ng ibat ibang pangalan. Simple lang naman meaning ng pangalan ko sabi ni mama, its CARE OF GOD’S GIFT. Ewan ko na lang siguro kung ano mga meaning ng mga iba kong pangalan. Not actually other names, but how my love ones call me. Umpisa tayo sa pinakarespetado kong pangalan.

MR. SAVELLANO. Wow, ang bangong amuyin noh? Nasanay ako sa tawag na ganito lalo noong college. It felt just great na matawag ng surname. Wow, parang propesyonal. Amoy mayaman, parang may sasakyan na at bahay, lupa na rin. Tapos ewan ko ba kung bakit from this name na kapita – pitagan ay napunta ako sa tawag na BITCH (BIYATCH).

Kung maalala ko man, tatlong originals ang nagpasimuno nito. Ewan ko kung bakit nagsanga narin to hanggang sa bawat magbabarkada naman na na madaanan ko dati eh nagtatawagan narin ng ganito. Mga bitch kayo, akin lang yon. Amin lang yon, kaming tatlong ULTIMATE BITCHES ng mundo. Ahai. Ehem. Dati, tawag lang yun sa isang toot na babae eh, ngayon, term of endearment narin sa mga magfrifriends.

KIERO. Tawag sa akin ng isang mataba kong friend dati. Kung bakit linait ko pa kasi siya ng CHUBBY, baboy, tuloy pinangalanan ako ng legendaring si KIEROKIEROPEE. Cute naman siya kaya okay na sa akin iyun. At hanggang ngayon, hindi ko alam kung ASO ba o PALAKA si kerokeropi. Haha… pero whatever it is, im KIERO original. Naging hayop sa katauhan ni k-pee. Kung hindi ko man kasi siya masyadong napikon, errr, tuloy, tinawag nadin akong OSWALDO. Shet. Tanda. Wow, KIEREE din pala, tawag sakin nung iba.

Tapos, napunta na sa mga hindi naman masyadong kakornihan na tawagan. Kung bakit umuso pa kasi ang mga acronyms. Tuloy tawag narin sakin ang BFF, at BBF. BFF for best friend forever. BBF naman for best buddy forever. Buti na lang sa isang friend ko eh hindi na naging acronym ang tawagan namin. Kundi sweet sweetan na ng kunti. MY LOVE. Wow. Ang sarap sa tenga. Tawagan ng mga sawi sa pag ibig ba. Hahaha… MY LOVE, wow…

CHIEH. Ipaalala niyu nga chieh-ma, chieh-mi kung bakit CHIEH ulit? Haha… basta, session. Pauwi kami noong magbebes sa college ng nadiskobre ang panibago kong pangalan. CHIEH. AKO SI CHIEH-KI. Cheap pakinggan noh? Ahai. Pero sorry naman daw, nacucute’an ako sa name na yon eh. At eto na, si QUIWANESS, tinawag akong KIERNESS. Haha… (total sikat naman na tayo sa facebook, lalo ikaw QUIWANESS, e dapat lang na pangalanan ka na. alangan maglarong showbiz pa tayo dito eh malalaman din lang ng fans mo kung sino ka. How dare me, I named you. Haha. Copy roger?)

K.Tawag din sakin. Hindi din masyadong TAMAD i-spell ang name kong ito noh? Ahai. O Tamad na tuloy ako magtype. Hai. I-end ko na nga yung istorya ko.

We are born with one name.
Raised with many a.k.a’s and nicknames.
When we are old, those teenage nicknames will be forgotten din lang kadi.
Lahat ng iyon, mapapalitan din lang ng isang nickname. Laking probinsiya ako kaya malamang, magiging prom-di din ang magiging old name ko.
Ano kaya mas bagay sakin? Kung kukunin ko sa pangalan ko yung magiging OLDEEE name ko: KIER OSWALD AUSTRIA SAVELLANO… hmmmm, tama nga yung isang tabachingching kong friend. Baka OSWALDO nga maging name ko. O kaya, WALDO. Grabe. Bat ganon. Dapat sosyal man name ko. Okay lang OSWALDO itawag sa akin basta spelled as O$WALDO ahai.

Ikaw? Ano kaya magiging pangalan mo pagtanda mo? Pag lalaki ka, try mong mag experiment ng name mo bsta ADD LETTER O SA HULI. Pag babai ka naman, try ADDING LETTERS NG SA HULI naman. Haha… hala. Sorry. May naisip ako Quiwaness sa name mo. Kung di man maging GRASING O ANING NAME mo, magiging QUIWANING siya. LMAAAAAAO… daming ass. haha

am i doomed to fail?

SITTING IN THIS ROUND TABLE, WITH MY LAPTOP ON, LISTENING TO THINKING OF YOU BY KATY PERRY.
[5:36 pm, OCTOBER 2, 2009]

I have no direction.
I don’t know where to start.
I wonder where I want to end.


Am I doomed to fail? This line, this line kept on whispering every time I was alone. I could not exactly figure our where this voice was coming from, not in my right ear, not even in my left… Worst, not even in my mind. I searched for this voice, tried to unlock the mystery of this puzzle, and there it was, I could here the echoes of it, as I was following the voice, it was becoming louder and clear… till I reached the source of it. It was not definitely from my angel’s or devil’s voice nor my mind’s… but it was from my heart.

“AM I DOOMED TO FAIL?”

SI-YO-SI

‘nasa harap lamang ako ng ballpen at papel... ang tagal, iniisip ko kung ano ang aking isusulat. at eto na nga, “POOOOF,” biglang lumabas ang isang ideya.’

Habang ang ibang mga tao ay nagkrecrave for white and black chocolates, starbucks coffee, krispy kreme, at kung anu-ano pa – yung kakilala ko ngang isa diyan, ultimo cornedbeef kinecrave – ako naman dito, iba ang hinahanap.

Black bat, dj myx, dunhill frost, black devil, miller, mild seven... sound like foods and cocktail drinks aren’t they? If yes is your answer, then you got ‘em wrong. Kalahi sila ni Marlboro, pinsan ni Philips, kapitbahay ni Fortune, katropa ni Champion.

Fresh pa sa ala-ala ko ang unang paggamit ko ng sigarilyo ... yosi. Grade five pa ata noong una namin pinaglaruan ng mga kaibigan ko ito. Hindi pa namin noon alam na bawal, basta ang alam namin, ang cute kapag may naibubuga kang usok galing sa bunganga mo – para kang taga-Alaska, oh, Baguio. Sa children’s park pa talaga namin ginawa: Paano kaya pag yun lang ang linalaro ng mga bata sa children’s park noh? Ehdi, patok na lugar na iyon ah for takatak boys! Pacquiao agad ang benta. Anyway, nakatatlong hitit-buga lang ako noon – hindi ko man gustuhin pero mga bata lang kami noon na naghanahanap ng bagay na pwedeng laruin. Kapagod ding magslide, magseesaw, magmonkey bars, magtakbuhan ng ilang oras noh. Baka subconsciously, naghanap lang talaga kami ng laro na hindi na kailangan pang mapagod – yun ang fog-production game. Weeeee.

Dumating ang highschool. I was learning, edukado na ako ng kunti. Alam ko na ang bawal sa hindi. Pinag-aral ata ako nina mama at papa sa isang private catholic school noh. Kaya ang yosi – isa itong bisyo. Bisyo na nakasasama! Bisyo na nakamamatay! Tinuruan ako ng mga klasmeyts kong pandirian ang yosi – wow, ta noon, amazed ako... they disliked yosi sa school but when they were outside the school’s walls na, GO, yosi galore! Hindi ako gumaya, why should I? I had good friends with me na ang only vice namin noon ay – STUDIES. Hindi naman na kasi uso noon sa highschool ang takbutakbuhan at monkey bars. Kaya no reason na ako to look for that fog game. Kung nagkataon na uso pa mga ganon, nakopo, ang mga panty ng mga babae, paglalaruan lamang ng imahinasyon ng mga lalake. Haha. Graduate ako na diploma ang hawak ko, hindi yosi na may ribbon.

COLLEGE! Far from parents, near to influences! Sa isang city pa naman ako nag –aral – sa isang MALAMIG na lugar. First year? Study lang ng study. Came second year? Doon ko na nameet ulit si yosi, long-time-no-si-yo-si. Binigyan ako ni toot ng isang stick... tinuruan niya ako pero hindi siya yung nagtuturong ‘guro’ ah. Siya si friend na alam, bihasa sa paninigarilyo. Hindi ko man siya masasabi na B.I. ta ako naman kasi daw ‘willing to learn’ and ‘willing to take the risk.’ Una kong hitit, hindi buga ang kasunod kundi ubo. Pangalawang hitit, hindi buga, hindi din ubo ang kasunod, sakit na ng batok... nakalimutan ko na nga atang ilabas yung usok sa katawan ko eh.

Habang patuloy ang impluwensiya at pagpapaimpluwensiya, i ended up buying my very first half pack of cigarette. BINYAGAN! Welcome to the world of cigarettes, ‘coz cigarettes are good for your health! Dinadagdagan niya another day ang lifespan mo for every stick you consume. Waaaaaaa! My mind was poisoned definitely.
Cigarette smoking was not addictive at first. Came February 28, 2009. Bumalik siya sa buhay ko... after 2 years of long divorce with my better half. Kinasal ulit kami, sa Volante kuno. After that, tuloy tuloy na siya. From one stick a day to two...to three... to four... to one... ONE HALF PACK a day. Siyosi – asawa ko na unti-unti akong pinapatay. I could not resist lalo ‘pag kasama ko ang mga hasler kung magyosi kong mga kaibigan. Wow. Nagmalinis ang dating hasler? Hahaha. Kahit barya na lamang ang natitirang kayamanan sa bulsa ko, id rather buy a stick of it ah.

Ang adik ko sa yosi.
Masaya na ako noon na may stock ako sa kuwarto.
Ayan tuloy, hasler kasi. Binigyan ba naman ako ng ilang paketeng yosi ng nga kaibigan ko? Ang saya ko ah noon. Kasi kahit papaano, may nagke-care pa sa akin. Appreciate ko yung LOVE (not sarcastic) from them because they know what was making me happy – THAT FUCKING YOSI. (ooops. Pasensiya po)


Buti na lang!!! Dumating si August 4, 2009. The day I realized and promised to myself na hindi na ako magyoyosi evah. Inisip ko na noon na it was eating me alive. I couldn’t go on like that. Pero TEMPTATION!!! Nakakahitit parin ako kahit papano. But came AUGUST 16, 2009.

I VOWED to MY LIFE, I will NOT ever SMOKE again. This time around, I’m not anymore thinking of the short term benefits I get from it. I am thinking of its long term impact on me... to my FOREVER.

Napakaipokrito ko naman ‘pag sabihin kong hindi ko minahal ang pagyoyosi – ang saya ko nga noon with it eh. Masaya naman ba daw ang baga ko? Nako! Kung may hawak lang na kutsilyo si baga, malamang matagal na siyang nagsuicide.

LASThree

I

Nagising ako bigla-bigla, alas dos na ng madaling araw, at ang una kong nakita ay si Peachy, tulog – namumutla pero maganda parin. Hai. Bakit kaya ang hirap magpakasaya para sa kanya ‘pag gising na siya? Hindi ko naman siya maiwan-iwan kasi, baka mamaya, bigla na lang siya magising. Gusto ko, ako ang una niyang makita pagdilat pa lang ng kanyang inosenteng mga mata.

Hawak pala niya sa kanyang kanang kamay ang isa sa mga liham na binigay ko sa kanya noon. Sa dami na kasi ng mga nabigay ko sa kanya, hindi ko na alam kung What’s the content of the letter inside it. Ako pa naman ‘yung tipong gagawin ko lahat ng paraan para lang masagot ang lumilipad na tanong sa utak ko – and now the question is: Ano ang nakasulat sa letter na iyon? Pero, bago kasi matulog si Peachy, she asked me dearly not to open that letter till she say so. Kaya respeto na lamang sa kanya... kung ano ang sinabi niya.

Alas dos y media na pala, ang bilis bilis ng oras. It’s like I just looked at her for a few seconds and now thirty minutes have passed. I kissed her on her forehead. The room is so dark but her radiant face lights up the room – with hope. But my sadness, I can’t help it – nasasapawan ko na ata ‘yung nakasmile niyang bibig habang tulog – pinipilit kong magpakatapang.

I stood up. Pumunta ako sa may veranda para magpalamig ng kaunti. The room is so sad na kasi, I need to puff just a stick – masarap kasi magyosi ‘pah malamig. Bawat buga mo ng usok, parang nailalabas mo na din ang problem – which is in my case, KALUNGKUTAN. I’m done with my first stick. Sisindihan ko na sana ang pangalawa kong sigarilyo when suddenly Peachy called my name. “Vin.” Narinig ko na lang siya kasi tahimik yung room, madaling araw pa lamang kasi. “Vin, i have a favor, punta naman tayo sa San Sebastian...” and she was like trying to talk, nahihirapan siyang huminga. “...don sa lugar kung san tayo naging isa.” She was referring to the only hill in that town where we had our first kiss 8 years ago. I asked enthusiastically, “When mo gusto Peachyko? Tara, excited ako sa plan mo ah.” I tried to show I can be her superman, the strongest person in her weakest period. “Now,” sabi ba naman niya. Then she again rested, wala naman na akong magagawa. Nagulat ako ta akala ko pa naman, ipagpapabukas pa niya. Siya talaga ay napakabiglaan na girl kong magdecide. Ang layo kaya, 2 and half hours travelling time. Okay, i have no choice. Natawa ako, kasi, kasi it had been 4 years ago nung last ko siyang binuhat ulit, noong ikinasal kami. Ang gaan niya noon, parang nagbuhat lang ako ng tingting. Pero, wow, ngayon naman na, AMBIGAT niya! Masyado ko ata siyang minahal sa kusina. Hai. Binuhat ko siya hanggang sa car namin sa baba. Pinuwesto ko siya sa passenger’s seat, sa harap siyempre, linock ko yung seatbelt niya, linagyan ko unan sa may ulo niya para komportable parin siya kahit papano sa biyahe namin. Inispray ko yung car freshener na gusting gusto niya – raspberry. Kapag naamoy niya daw kasi, parang gumagaan ang feeling niya.

At least, nung binuhat ko siya hanggang nung inispray ko yung freshener, hindi ko naisip ang problema ko, ta feeling ko – IKINASAL KAMI ulit. Hai.

II


It’s 4 am. Nagdradrive parin ako – buti pa ang buwan, maliwanag parin, ang buhay ko, unti – unti ng dumidilim. Bigla ba namang pinatugtog sa FM radio ang ‘KAHIT KAILAN’ by southborders. Bumigat agad ang pakiramdam ko. Theme song naming yun ni Peachy! Waaaaa. I am driving, then i remember suddenly, I sang that song to her on our 6th Anniversary sa isang bar sa QC – don ko siya unang pinaiyak in our 6 years of being together. Umiyak daw siya noon kasi naoverwhelmed siya. Nasobrahan na naman ata ako sa flashback of my old memories, hindi ko namamalayan, Peachy is already singing that song too, to me. “kahit... di kita iwan. Hmmmm kailan, di kita... bayaan.” Hinahabol ni Peachy ang kanyang hininga. Nakatingin siya sa akin habang ako ay nagmamaneho. Kinausap niya ulit ako. “Vin, Masaya ako.” Nateary eyed ako pero pinipilit kong hindi umiyak – as her Superman, I need to look tough. “Vin, I’m so glad (nagpause siya for about more or less 5 seconds) YOU FOUND ME.” Gusto kong sabihin sa kanya na tumahimik na lang, na she's just wasting energy pero pinabayaan ko na lang siya. “Okay, Peachyko, dapat lang you’re glad at nameet mo ako...” sinabi ko na pa-joke. “Peachy?” kako pero nakatulog naman na siya. Hai. I just kissed her on her left cheek. Linakasan ko ng kunti yung radio – umiyak ako. Mas linakasan ko pa ang sounds – humagulgol ako na parang batang kinukuhanan at inaagawan ng laruan. How can I afford to be happy if Peachy has remaining two months before she dies? I just can’t watch her dying like this. She’s my life, my everything na kahit siya na lamang ang natitirang tao sa mundo, I still have a reason to be happy.

Time runs so fast, San Sebastian na pala kami... pero madilim pa. Hindi kaya na ng sasakyan ang pataas sa burol kaya ipinark ko nalang siya sa paanan nito. Inilabas ko si Peachy sa sasakyan, binuhat ko habang siya ay tulog. Inakyat ko ang burol while holding her – from there, I felt again being her Superman. Nung nasa kalagitnaan na kami ng hill, she suddenly woke up. “Vin, tignan mo yun oh,” while she was pointing at the sky. Pansin kong hawak pa niya ang letter ko. Wow. It was 5:45 am. “LAST STAR,” said her. At ako naman daw, I searched for other stars and she was right. THE LAST LONE STAR. Pero what bothers me that moment was: Eton a iyon? Pumunta kami San Sebastian just to see this last star? Maybe napansin ni Peachy ang pagtigil ko. She said, “Pagod ka na?” I said NO of course, basta, buti na lang may hagdanan ang burol. “Sa taas pa,” sabi niya, “bilis” dinugtungan pa niya. And I walked fast really kasi parang may hinahabol si Peachy ko.

III

Now, we are on top of the hill. So cold.

Bumaba si Peachy sa akin and she looked very strong. Gumaan ang pakiramdam ko – SOBRA. She sat facing the east then pinahiga niya ako sa lap niya... si Peach ko. But suddenly her acts were like trying to deceive me already – Is she okay? Is she not okay?

At tahimik kaming dalawa ng ilang minute... Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa utak niya ngayon at mas lalong wala akong ideya kung bakit hindi pa siya nagsasalita. “Vin,” sabi niya agad – the random thoughts running in my mind ceased. “mag-promise ka sa akin Vin.” “Ano yun Peachy?” “mag-promise ka muna,” then she smiled. “O sige, prooooooomise... promise.” Ang ganda kasi ng smile niya so I concluded agad it was for a good reason. “HUWAG KANG MAGSASALITA ‘TILL I GIVE THE LETTER and that Promise Thing starts now.” Wow, naisahan niya ako don, na parang nagpaloko naman daw ako sa kanyang ngiti. Ngayon, wala akong maramdaman tuloy kundi – wala. Napabuntong hininga siya, at huminga pa ng malalim. The she started talking.

“Salamat sa walong taon... ng pagmamahalan... I never lied to you Vin, once only.” Then suddenly, I felt a drop of water on my face – was that a drizzle? NO! It’s a tear from her. Umupo ako, humarap ako sa kanya. I can talk, but I promised. I promised. Hinawakan ko na lamang ang mga kamay niya habang pinagmamasdan siyang pigilan ang pagpatak ng kanyang luha. “I lied to you Vin.” I showed her a curious looking face – napanganga pa ako. “SORRY,” sabi niya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay para maramdaman niya ang sinisigaw ng aking isipan: Ano yun?!! Sabihin mo na!! Wag mo ng patagalin pa!! “Vin, the doctor said to you 2 years ago that I still have about 26 months to live diba?” I moved my head up and down slowly. “IT WAS JUST A LIE.” Tinignan niya ang horizon, trying to check for something, at napatingin din ako sa direksiyon ng kanyang mata. Then she looked at me again, 2nd tear fell. “THIS IS MY LAST MOMENT WITH YOU.” It was a devastating blow in my part. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung paano magrereact. I again showed a face-with-a-question look. “Sinabi ko sa doctor na sabihin niya sa iyo na 26 months pa, noong sinabi niya sa aking 2 years na lang ang nalalabi sakin.” She was trying hard to smile na nakapikit pero pinipigilan niya ang pagpatak ng kanyang luha. Sorry siya ng sorry sa akin. Wala naman akong karapatang magalit, ang nangingibabaw ngayon sa akin ay TAKOT – na mawala siya. “Sorry... sorry... sorry... sorry Vin.”

I kissed her on her lips to stop her from saying sorry and felt her third teardrop on my face. And she was starting to lose her breath. Nahihirapan na siya. It’s as if she used her last reserved energy for that moment. Humiga siya sa lap ko. The she said I LOVE YOU while giving the card to me. Binuksan ko agad, and read my very first corny, cheesy letter for her:

‘YOU ARE MY ONLY STAR. I LOVE YOU PEACH’

“Vin, I LOVE YOU. Tignan mo yung star.”

As the sun is rising, the only star is slowly fading and Peachy is dying... and she still managed to say it again – hinawakan niya ang mukha ko ng dalawa niyang kamay habang ako ay umiiyak, humahagulgol - I LOVE YOU, ng mabagal habang hinahabol niya ang kanyang huling hininga. And I said I LOVE YOU TOO pero she is dying in front of me. Kanina, buhay na buhay lang siya, bakit ganon? Biglaan. INAKAP KO SIYA. And I saw her last breath, felt her heart’s last beat.

I looked up... the sky is clear, empty, the star is gone. I looked down at my lap, I’m with her but I’m alone... I am now alone.

The last threes just flashed back in my mind. The last three very important memories in me of her – the card na binigay ko noon, nung binuhat ko siya nung kinasal kami, nung kinanta ko theme song namin. The last three kisses – kiss on her forehead sa room, kiss on her cheek sa car and kiss on her lips sa hill. Her last three tears. Last three I love you’s. And her last three words,

I-LOVE-YOU.

LET ME

I can see your ENTANGLED TRAGEDY miles away.

Who can see it but me who’s BLIND?

Pardon me for entering into your
WORLD OF INTRICACY

I just BELIEVE, I can UNDERSTAND.

LET ME be your only gleaming STAR on your gloomy sky...

...To GRANT your wish that can save your heart from falling in an impenetratable hole.

LET ME be your CRADLE of TRANQUILITY on your time of Disturbances...

.... I will sway you ‘till your mind wanders NO MORE.

LET ME...

I can hear the sound of each drop of tear from your sad brown eyes.

Who can hear it but me who’s DEAF?

Pardon me again for entering your WORLD OF BLUES

I just BELIEVE, I can make you SMILE.

LET ME cry with you, for no other reason that IM HURT IF YOU’RE HURT TOO.

LET ME tap your shoulder and make you feel my presence,

even if I’m here and you're MOUNTAINS AWAY.

LET ME...

I once BEGGED for love...

NOT from you...

I thought it was insane, I was damn BRAINLESS.

But LET ME drop on my bended knees, and BEG again once more, THIS TIME, FOR OUR LOVE,

if the unthinkable happens.

LET ME do that because I can’t afford losing someone WHO’S YOU.

YOU ARE MY FOREVER, once you are gone,

It’s THE END.

LET ME STAY IN YOUR LIFE FOR GOOD.

LET ME...

PLEASE...

LET ME.