LASThree

I

Nagising ako bigla-bigla, alas dos na ng madaling araw, at ang una kong nakita ay si Peachy, tulog – namumutla pero maganda parin. Hai. Bakit kaya ang hirap magpakasaya para sa kanya ‘pag gising na siya? Hindi ko naman siya maiwan-iwan kasi, baka mamaya, bigla na lang siya magising. Gusto ko, ako ang una niyang makita pagdilat pa lang ng kanyang inosenteng mga mata.

Hawak pala niya sa kanyang kanang kamay ang isa sa mga liham na binigay ko sa kanya noon. Sa dami na kasi ng mga nabigay ko sa kanya, hindi ko na alam kung What’s the content of the letter inside it. Ako pa naman ‘yung tipong gagawin ko lahat ng paraan para lang masagot ang lumilipad na tanong sa utak ko – and now the question is: Ano ang nakasulat sa letter na iyon? Pero, bago kasi matulog si Peachy, she asked me dearly not to open that letter till she say so. Kaya respeto na lamang sa kanya... kung ano ang sinabi niya.

Alas dos y media na pala, ang bilis bilis ng oras. It’s like I just looked at her for a few seconds and now thirty minutes have passed. I kissed her on her forehead. The room is so dark but her radiant face lights up the room – with hope. But my sadness, I can’t help it – nasasapawan ko na ata ‘yung nakasmile niyang bibig habang tulog – pinipilit kong magpakatapang.

I stood up. Pumunta ako sa may veranda para magpalamig ng kaunti. The room is so sad na kasi, I need to puff just a stick – masarap kasi magyosi ‘pah malamig. Bawat buga mo ng usok, parang nailalabas mo na din ang problem – which is in my case, KALUNGKUTAN. I’m done with my first stick. Sisindihan ko na sana ang pangalawa kong sigarilyo when suddenly Peachy called my name. “Vin.” Narinig ko na lang siya kasi tahimik yung room, madaling araw pa lamang kasi. “Vin, i have a favor, punta naman tayo sa San Sebastian...” and she was like trying to talk, nahihirapan siyang huminga. “...don sa lugar kung san tayo naging isa.” She was referring to the only hill in that town where we had our first kiss 8 years ago. I asked enthusiastically, “When mo gusto Peachyko? Tara, excited ako sa plan mo ah.” I tried to show I can be her superman, the strongest person in her weakest period. “Now,” sabi ba naman niya. Then she again rested, wala naman na akong magagawa. Nagulat ako ta akala ko pa naman, ipagpapabukas pa niya. Siya talaga ay napakabiglaan na girl kong magdecide. Ang layo kaya, 2 and half hours travelling time. Okay, i have no choice. Natawa ako, kasi, kasi it had been 4 years ago nung last ko siyang binuhat ulit, noong ikinasal kami. Ang gaan niya noon, parang nagbuhat lang ako ng tingting. Pero, wow, ngayon naman na, AMBIGAT niya! Masyado ko ata siyang minahal sa kusina. Hai. Binuhat ko siya hanggang sa car namin sa baba. Pinuwesto ko siya sa passenger’s seat, sa harap siyempre, linock ko yung seatbelt niya, linagyan ko unan sa may ulo niya para komportable parin siya kahit papano sa biyahe namin. Inispray ko yung car freshener na gusting gusto niya – raspberry. Kapag naamoy niya daw kasi, parang gumagaan ang feeling niya.

At least, nung binuhat ko siya hanggang nung inispray ko yung freshener, hindi ko naisip ang problema ko, ta feeling ko – IKINASAL KAMI ulit. Hai.

II


It’s 4 am. Nagdradrive parin ako – buti pa ang buwan, maliwanag parin, ang buhay ko, unti – unti ng dumidilim. Bigla ba namang pinatugtog sa FM radio ang ‘KAHIT KAILAN’ by southborders. Bumigat agad ang pakiramdam ko. Theme song naming yun ni Peachy! Waaaaa. I am driving, then i remember suddenly, I sang that song to her on our 6th Anniversary sa isang bar sa QC – don ko siya unang pinaiyak in our 6 years of being together. Umiyak daw siya noon kasi naoverwhelmed siya. Nasobrahan na naman ata ako sa flashback of my old memories, hindi ko namamalayan, Peachy is already singing that song too, to me. “kahit... di kita iwan. Hmmmm kailan, di kita... bayaan.” Hinahabol ni Peachy ang kanyang hininga. Nakatingin siya sa akin habang ako ay nagmamaneho. Kinausap niya ulit ako. “Vin, Masaya ako.” Nateary eyed ako pero pinipilit kong hindi umiyak – as her Superman, I need to look tough. “Vin, I’m so glad (nagpause siya for about more or less 5 seconds) YOU FOUND ME.” Gusto kong sabihin sa kanya na tumahimik na lang, na she's just wasting energy pero pinabayaan ko na lang siya. “Okay, Peachyko, dapat lang you’re glad at nameet mo ako...” sinabi ko na pa-joke. “Peachy?” kako pero nakatulog naman na siya. Hai. I just kissed her on her left cheek. Linakasan ko ng kunti yung radio – umiyak ako. Mas linakasan ko pa ang sounds – humagulgol ako na parang batang kinukuhanan at inaagawan ng laruan. How can I afford to be happy if Peachy has remaining two months before she dies? I just can’t watch her dying like this. She’s my life, my everything na kahit siya na lamang ang natitirang tao sa mundo, I still have a reason to be happy.

Time runs so fast, San Sebastian na pala kami... pero madilim pa. Hindi kaya na ng sasakyan ang pataas sa burol kaya ipinark ko nalang siya sa paanan nito. Inilabas ko si Peachy sa sasakyan, binuhat ko habang siya ay tulog. Inakyat ko ang burol while holding her – from there, I felt again being her Superman. Nung nasa kalagitnaan na kami ng hill, she suddenly woke up. “Vin, tignan mo yun oh,” while she was pointing at the sky. Pansin kong hawak pa niya ang letter ko. Wow. It was 5:45 am. “LAST STAR,” said her. At ako naman daw, I searched for other stars and she was right. THE LAST LONE STAR. Pero what bothers me that moment was: Eton a iyon? Pumunta kami San Sebastian just to see this last star? Maybe napansin ni Peachy ang pagtigil ko. She said, “Pagod ka na?” I said NO of course, basta, buti na lang may hagdanan ang burol. “Sa taas pa,” sabi niya, “bilis” dinugtungan pa niya. And I walked fast really kasi parang may hinahabol si Peachy ko.

III

Now, we are on top of the hill. So cold.

Bumaba si Peachy sa akin and she looked very strong. Gumaan ang pakiramdam ko – SOBRA. She sat facing the east then pinahiga niya ako sa lap niya... si Peach ko. But suddenly her acts were like trying to deceive me already – Is she okay? Is she not okay?

At tahimik kaming dalawa ng ilang minute... Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa utak niya ngayon at mas lalong wala akong ideya kung bakit hindi pa siya nagsasalita. “Vin,” sabi niya agad – the random thoughts running in my mind ceased. “mag-promise ka sa akin Vin.” “Ano yun Peachy?” “mag-promise ka muna,” then she smiled. “O sige, prooooooomise... promise.” Ang ganda kasi ng smile niya so I concluded agad it was for a good reason. “HUWAG KANG MAGSASALITA ‘TILL I GIVE THE LETTER and that Promise Thing starts now.” Wow, naisahan niya ako don, na parang nagpaloko naman daw ako sa kanyang ngiti. Ngayon, wala akong maramdaman tuloy kundi – wala. Napabuntong hininga siya, at huminga pa ng malalim. The she started talking.

“Salamat sa walong taon... ng pagmamahalan... I never lied to you Vin, once only.” Then suddenly, I felt a drop of water on my face – was that a drizzle? NO! It’s a tear from her. Umupo ako, humarap ako sa kanya. I can talk, but I promised. I promised. Hinawakan ko na lamang ang mga kamay niya habang pinagmamasdan siyang pigilan ang pagpatak ng kanyang luha. “I lied to you Vin.” I showed her a curious looking face – napanganga pa ako. “SORRY,” sabi niya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay para maramdaman niya ang sinisigaw ng aking isipan: Ano yun?!! Sabihin mo na!! Wag mo ng patagalin pa!! “Vin, the doctor said to you 2 years ago that I still have about 26 months to live diba?” I moved my head up and down slowly. “IT WAS JUST A LIE.” Tinignan niya ang horizon, trying to check for something, at napatingin din ako sa direksiyon ng kanyang mata. Then she looked at me again, 2nd tear fell. “THIS IS MY LAST MOMENT WITH YOU.” It was a devastating blow in my part. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung paano magrereact. I again showed a face-with-a-question look. “Sinabi ko sa doctor na sabihin niya sa iyo na 26 months pa, noong sinabi niya sa aking 2 years na lang ang nalalabi sakin.” She was trying hard to smile na nakapikit pero pinipigilan niya ang pagpatak ng kanyang luha. Sorry siya ng sorry sa akin. Wala naman akong karapatang magalit, ang nangingibabaw ngayon sa akin ay TAKOT – na mawala siya. “Sorry... sorry... sorry... sorry Vin.”

I kissed her on her lips to stop her from saying sorry and felt her third teardrop on my face. And she was starting to lose her breath. Nahihirapan na siya. It’s as if she used her last reserved energy for that moment. Humiga siya sa lap ko. The she said I LOVE YOU while giving the card to me. Binuksan ko agad, and read my very first corny, cheesy letter for her:

‘YOU ARE MY ONLY STAR. I LOVE YOU PEACH’

“Vin, I LOVE YOU. Tignan mo yung star.”

As the sun is rising, the only star is slowly fading and Peachy is dying... and she still managed to say it again – hinawakan niya ang mukha ko ng dalawa niyang kamay habang ako ay umiiyak, humahagulgol - I LOVE YOU, ng mabagal habang hinahabol niya ang kanyang huling hininga. And I said I LOVE YOU TOO pero she is dying in front of me. Kanina, buhay na buhay lang siya, bakit ganon? Biglaan. INAKAP KO SIYA. And I saw her last breath, felt her heart’s last beat.

I looked up... the sky is clear, empty, the star is gone. I looked down at my lap, I’m with her but I’m alone... I am now alone.

The last threes just flashed back in my mind. The last three very important memories in me of her – the card na binigay ko noon, nung binuhat ko siya nung kinasal kami, nung kinanta ko theme song namin. The last three kisses – kiss on her forehead sa room, kiss on her cheek sa car and kiss on her lips sa hill. Her last three tears. Last three I love you’s. And her last three words,

I-LOVE-YOU.
0 Responses